Sonetong Hindi Kailangang Nasulat

Because February—Feb-ibig!—is a nifty excuse to talk about love.

And who else to do this but Rico Abelardo!


Sonetong Hindi Kailangang Nasulat
Cerilo Rico Abelardo

Hindi kailangan na nariyan ka
pero nariyan ka nga at nakangiti pa
Hindi kailangan na kilala kita
pero heto at nag-uusap tayo
Hindi kailangan na ibigin ka
pero ikaw lagi ang laman ng aking alaala
Hindi kailangang ipagtapat ang damdaming ito
pero ipagtatapat ko dahil totoo
Hindi mo kailangang umoo
pero tumugon ka sana kahit paano
May mga bagay na hindi kailangang narito
pero totoo at nasa harap ko
Kaya’t kailangang galangin
katulad ng pag-ibig ko sa ‘yo

One thought on “Sonetong Hindi Kailangang Nasulat

Leave a comment